"Bulong"
Hindi masabi ang nararamdaman
Hindi makalapit sadyang nanginginig na lang
Mga kamay na sabik sa piling mo
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo
Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin
Hindi mapakali
Hanggang tingin nalang
Bumubulong sa'yong tabi
Sadyang walang makapantay
Sa kagandahang inuukit mo sa isip ko
Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin
Ohhh woahhhh...
Ako'y alipin ng pagibig mo
Handang ibigin ang isang tulad mo
Hanggat ang puso mo'y sa akin lang hindi ka na malilinlang
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin
Ng mga bituin
Ng mga bituin
Ng mga bituin
"Dahan"
Di na muling luluha
Di na pipilitin pang
Ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hanggan
Di na makikinig
Ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang
Ikaw ang iniibig ko
At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan
Di na papayag na
Ako'y iyong saktan
Na muli at malimutan
Ang ating nakaraan
Di mo ba naririnig
Pintig ng aking dibdib
Lumalayo na sa'yo
Ang damdamin ko
At kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkan
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan
Dahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan
Dahan dahan mong...
"Kahit Di Mo Alam"
Ipikit mo man ang iyong mata
Di pa rin naman mag-iiba
Nabalutan ng poot ang puso mo
Tila malimit kang ngumiti ngayon
Di ka rin naman ganyan noon
Naubusan ng tibok ang puso mo
Kulang na ba ang mga ulap
Sa langit at buwan
Di ka na babalik sa lilim ng ulan
Sa bawat saglit
Handang masaktan
Kahit di mo alam
Subukang muli
At pagbigyan
Ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam
Ipikit mo na ang iyong mata
Ang nakaraa'y limutin na
Umaasang di ka na mawawala
Sadyang mahirap lang ngumiti ngayon
Minahal kita mula noon
Ibalik na ang tibok ng puso mo
Kulang na ba ang mga ulap
Sa langit at buwan
Di ka na babalik sa lilim ng ulan
Sa bawat saglit
Handang masaktan
Kahit di mo alam
Subukang muli
At pagbigyan
Ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam
Kahit di mo na alam
Kahit di mo na...
Sa bawat saglit
Handang masaktan
Kahit di mo alam
Subukang muli
At pagbigyan
Ang ating nakaraan
Kahit di mo na alam
Kahit di mo na alam
Kahit di mo na alam
Kahit di mo na
Kahit di mo na
Kahit di mo na alam
"Kahit Sa Panaginip"
Bakit di ko mapigilan ang sakit?
Ngayong wala ka na ako'y humihikbi
Sino ba ang dahilan ng iyong ngiti?
Sana ay mapantayan
Bakit di mo pigilan
Ang puso mong di naman nararapat para sa kanya
Babalik ka ba?
Sa himbing ng pag-idlip ako'y ginising ng paglisan mo
Babalik ka bang muli kahit na sa panaginip na lang?
Bakit di ko maiwasan ang sakit?
Ngayong nandito ka ako'y humihikbi
Siya pa ba ang dahilan ng iyong ngiti?
Hindi niya mapapantayan
Bakit di mo pigilan
Ang puso mong tunay na nahirapan dahil sa kanya?
Aalis ka ba?
Sa himbing ng pag-idlip ako'y ginising ng paglisan mo
Babalik ka bang muli kahit na sa panaginip na lang?
Babalik ka bang muli?
Sa himbing ng pag-idlip ako'y ginising ng paglisan mo
Babalik ka bang muli kahit na sa panaginip na lang?
Ooh ohh
Sa panaginip na lang
Ooh ohh
Sa panaginip na lang
Ooh ohh
Sa panaginip na lang
Ooh ohh
Sa panaginip na lang
"Kung 'Di Rin Lang Ikaw"
(feat. Moira Dela Torre)
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sating dalawa
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan
Pipiliin bang umiwas nang hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay sino pa ba?
Ang luluha sa umaga para sating dalawa
Bumibitaw dahil di makagalaw
Pinipigilan ba ang puso mong iba ang sinisigaw?
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Naliligaw at malayo ang tanaw
Pinipigilan na ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na makita kang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung di rin tayo sa huli
(Kaya bang umibig ng iba?)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
Kung di rin tayo sa huli
(Papayagan ba ng puso kong...)
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?
"Magkunwari ('Di Man Tayo)"
(from "TODA One I Love" soundtrack)
Kumusta na
Hindi mo ba nakikitang wala akong mabibigay sayo
Kundi ang pusong nangungulila
At hindi susuko kahit anong sabihin mo
Isipin man nilang ito'y mali
Basta't nandito ka sa'king tabi
'Di man tayo ay magkunwari
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang sabihin mong ako'y mahal mo rin
Halika na
Hindi ko kakayaning mag-isa
Walang mahihiling sayo kundi pangako
Hindi na iisipin pang sumuko
Tayo'y hindi na hihinto
Isipin man nilang ito'y mali
Hindi na aalis sa'yong tabi
'Di man tayo ay magkunwari
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang sabihin mong ako'y mahal mo rin
Ika'y mahal pa rin
Ano man ang pagsubok
Ako'y di susuko
Ano man ang daanan
Ikaw ang tahanan
Ikaw ang ligaya sa hirap ng buhay ko
'Di man tayo ay magkunwari
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang sabihin mong ako'y mahal mo rin
'Di man tayo ay magkunwari (Ika'y mahal pa rin)
Sabihin man nilang pag-ibig natin ay mali
Hindi man tayo ay magkunwari
Baka sakali lang sabihin mong ako'y mahal mo rin
Ika'y mahal pa rin
"Sa Dulo Ng Walang Hanggan (Sa Ngalan Ng Pag-Ibig Piano Version)"
Hanggang kailan
Ako maghihintay na para bang wala ng papalit sayo?
Nasa'n ka man
Sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon, uh-oh-oh
Kung sana lamang ay nakita mo
Ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali
Ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan
Ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo?
Nasa'n ka man
Sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo
Kung sana lamang ay nakita mo
Ang lungkot sa'yong ngiti
Isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at ng makita mo
Ang tamis ng sandali
Ng kahapong 'di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan pa ba magtitiis?
Nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon
Ikaw hanggang ngayon
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng maramdaman...
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Ako'y maghihintay
Ako'y maghihintay
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo
Ako'y maghihintay
Ako'y maghihintay
Uh ohh ohh....
"Sa Ngalan Ng Pag-Ibig"
Hanggang kailan ako maghihintay na parang bang wala nang papalit sayo
Nasan ka man, sigaw ng puso ko'y ikaw hanggang ngayon whoah
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan ako maghihintay na para bang walang iba sa piling mo
Nasan ka man sigaw ng puso ko ay ang pangalan mo whoah
Kung sana lamang ay nakita mo ang lungkot sa'yong ngiti, isang umagang 'di ka nagbalik
Gumising ka at nang makita mo ang tamis ng sandali ng kahapong di magbabalik
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang kailan pa ba magtitiis, nalunod na sa kaiisip
Huling kapiling ka'y sa aking panaginip
Ikaw mula noon, ikaw hanggang ngayon
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang maramdaman
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailanpaman
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo
"Summer Song"
Eto na ang summer…
Ang init, 'di mapakali
Ang init, ano bang pwedeng gawin
Ang init, kailangan bang mag-relax
Ang init, 'wag ka nang mainip
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer, naghihintay
Tawagan ang barkada
Mag-ready nang maaga
Isama na sa playlist mga trip mong kanta
I-ready na ang gamit, shorts tsaka wallet
Sombrero at sunblock at paborito mo
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer, naghihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer
Eto na, eto na
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
It's time to go
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer, naghihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer na hinihintay
Eto na ang summer, naghihintay
Eto na, eto na
Eto na, eto na
Eto na, eto na
Eto na, eto na